Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Ibinahagi ni QC Council Majority Floor Leader Coun. Aly Medalla ang smart city initiatives ng lungsod, sa ginanap na Smart City Expo Cali 2026.
Binigyang-diin ni Coun. Aly na ang smart city programs ng lungsod ay nakaangkla sa tatlong pangunahing thrust ng lungsod: liveable and sustainable, people-centric, at well-governed and trustworthy. Ito ang mga nagsisilbing gabay sa pagbuo ng mas maunlad, inklusibo, at ‘Smart City’ na Quezon City.
Kasalukuyang nasa Cali, Colombia sina Coun. Aly, Coun. Dorothy Delarmente, Coun. TJ Calalay, QC Tourism Department Head Gianna Barata, at iba pang kinatawan ng lokal na pamahalaan para pagtibayin at palakasin ang ugnayan ng QC at Cali bilang sister cities.










