Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sa ikalawang araw ng Smart City Expo Cali 2026 sa Colombia, muling nagkaroon ng bilateral meeting sa pagitan ng mga opisyal ng Cali at Quezon City.
Ibinida ng Secretariat of Peace and Civic Culture ng Santiago de Cali ang kanilang programang Graficalia, isang urban art program at festival para sa mga kabataan na nagsusulong ng kanilang peace narratives at community security.
Ibinahagi naman ng QC ang mga programa nito para sa mga QCitizen youth, at mga inisyatibong nakatutok sa proteksyon at kaligtasan ng mga kabataan.
Target ng Quezon City at Cali na bumuo ng mirror mural sa hinaharap, katuwang ang mga local artist sa kani-kanilang lungsod.










