Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakipagdayalogo ang Quezon City Government sa Disaster Risk Reduction and Management Office ng Cali, Colombia, sa ikatlong araw ng Smart City Expo Cali 2026.
Ibinahagi ng QCDRRMD ang mga programa ng lungsod sa pagtugon sa baha, lindol, at mataas na heat index, habang ipinakita naman ng Cali ang kanilang response and rehabilitation strategies, matapos makaranas ng lindol noong Agosto.
Kasalukuyang nasa Colombia ang Team QC, sa pangunguna nina Coun. Aly Medalla, Coun. Dorothy Delarmente, at Coun. TJ Calalay, para dumalo sa Smart City Expo Cali 2026.










