Dumalo ang Quezon City Government sa opening ceremonies ng Smart City Expo Cali 2026 sa Colombia.
Sa pagbisita ng Team QC, nagkaroon ng bilateral meeting ang mga konsehal kung saan tinalakay ang mga paraan upang mapalakas ang institutional capacity ng mga lungsod at mapatatag ang kabuuang sistema sa disaster risk reduction and management (DRRM).
Nagbahagi rin ang Cali CityLab economic team ng kanilang mga estratehiya para sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng lungsod.
Kasalukuyang nasa Cali, Colombia sina Coun. Aly Medalla, Coun. Dorothy Delarmente, Coun. TJ Calalay, QC Tourism Department Head Giana Aira Barata, iba pang kawani ng lokal na pamahalaan para dumalo sa Smart City Expo Cali 2026 hanggang October 1.
Bilang sister cities, ang Quezon City at Cali, Colombia ay magpapalitan ng best practices na maaari nilang ipatupad sa kani-kanilang lungsod.










