Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang Smart Eco-llection Bin (SEB) na bahagi ng Zero Waste Month Donation Drive na pinangunahan ng Climate Change and Environmental Sustainability Department.
Matatagpuan sa lobby ng City Hall ang SEB at maaari itong gamitin upang magdeposito ng iba-ibang sachet.
Ang SEB ay may kapasidad na higit sa 12,000 sachet. Ginagamit din ang mga naipong sachet bilang mga upcycled furnitures.
Ipinakita nina Restore Solutions President Eric Chao at Vice President Miguel Yorro ang paggamit ng SEB sa Alkalde.










