Bumisita sa Quezon City Hall ang Social Security System (SSS) EWheels caravan upang magbigay serbisyo sa QCitizens at mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Quezon.
Ilan sa mga serbisyong naihatid nila ay pag-issue ng SS at ER number, SSS forms, mga online services ng SSS, at tinugunan ang mga katanungan at beripikasyon patungkol sa SSS membership at pensioners.
Bahagi na rin nito ang My.SSS registration, PRN Generation, aplikasyon para sa mga loans, disbursement account enrollment, benefit claims, at SSS member data change request.
Dumalo rin sa caravan sina SSS Executive Vice President Atty. Voltare Vargas, SSS NCR Division Vice President Fernando Nicolas kasama ang mga kawani ng SSS.
Magbabalik ang SSS Caravan sa City Hall sa Lunes, Hulyo 15, bilang bahagi ng SSS National Registration Day.