Namahagi ng hot meals ang Social Services Development Department (SSDD) para sa 286 pamilya at 1,185 indibidwal na pansamantalang nanunuluyan sa Diosdado P. Macapagal Elementary School, Barangay Tatalon na nagsisilbing evacuation center para sa mga naapektuhan ng Bagyong #KristinePH.

Patuloy ang pagkalinga ng lungsod sa mga pamilya sa mga evacuation site, sa pamamagitan ng pagbibigay ng hot meals, at iba pa nilang pangangailangan.

Para sa emergencies, tumawag sa QC Helpline 122.

Stay safe, QCitizens!