Tinitiyak ng Social Services Development Department (SSDD) na naaalagaan at natutugunan ang pangangailangan ng mga QCitizen na pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center.
Inaalam ng mga social worker ang kalagayan ng mga residente, at binibigyan ng hot meals.
May naka-preposition na rin na mga sangkap at mga pangluto sa iba pang evacuation site para mas mabilis na makapaghanda ng pagkain sa mga evacuee.