Upang makapagbukas ng mas marami pang oportunidad para sa mga QCitizen, nagsagawa ang Social Services Development Department (SSDD) at Public Employment Service Office (PESO) ng Industry Forum.
Kabilang sa mga dumalo ang mga kinatawan ng mga restaurant, BPO, ospital, at automotive company, at food processing business na maaaring maging employer ng mga graduate ng Manpower Barangay-based Skills Traning Program ng SSDD.
Layon ng forum na mapakinggan ang mga concern at suhesyon ng mga employer para mas mapalakas pa ang kanilang ugnayan sa lokal na pamahalaan.