Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
TINGNAN – Bilang pag-alalay sa mga residenteng naapektuhan ng baha dulot ng Habagat, nagsagawa ang Social Services Development Department ng Perfume-Making Workshop sa evacuation center ng Barangay Apolonio Samson.
Tinuruan ang evacuees, kabilang ang mga nanay, out-of-school youth, at senior citizens, ng proseso sa paggawa ng pabango na maaari nilang maging hanapbuhay.
Layon ng workshop na bigyan ng karagdagang kasanayan at pagkakakitaan ang mga residente para matulungan silang makabangon mula sa kalamidad.










