3,400 solo parent at senior citizens ang nakatanggap ng financial assistance ngayong araw.

Ang mga napiling benepisyaryo ng Social Services Development Department ay nakakatanggap ng P500 kada buwan. Mayroon din silang grocery package at pamaskong handog mula sa lungsod.

Tinalakay ni Mayor Joy Belmonte ang mga programa ng lungsod bukod sa financial assistance. Mayroon ding libreng gamot para sa mga senior citizen at pangkabuhayan para sa mga solo parent.

+12