Sa QC, suportado ang mga Persons with Disability (PWDs)!
Aabot sa 700 qualified PWDs mula District 1 ang nakatanggap ng Social Welfare Assistance (SWA) mula sa pamahalaang lungsod ngayong araw.
Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na means-based ang pagpili sa mga benepisyaryo para makadagdag sa kanilang araw-araw na gastusin, at patuloy na palalawakin ng lokal na pamahalaan ang mga inklusibong programa para sa PWDs.
Nanguna sa payout ang Quezon City Persons with Disability Affairs Office (PDAO), na namahagi rin ng assistive devices sa mga nangangailangang benepisyaryo.








