Tulong Pinansyal sa PWDs!
Nasa 800 Persons with Disability (PWDs) mula sa District 4 ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Lokal na Pamahalaan ngayong Miyerkules.
Pinangasiwaan ng QC Persons with Disability Affairs Office ang distribusyon ng Social Welfare Assistance.
Layon ng monthly allowance na makatulong sa mga gastusin ng PWDs sa lungsod.








