Namahagi ng tulong pinansyal ang Quezon City Government sa higit 1,000 qualified Persons with Disability (PWDs) mula District 3 sa pamamagitan ng Social Welfare Assistance (SWA) Program.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang programa, habang pinamahalaan ni QC Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Head Debbie Dacanay ang distribusyon ng
tulong pinansyal.
Bilang bahagi ng pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan, nakiisa ang mga benepisyaryo sa programang Trash-to-Cashback sa pamamagitan ng pagdadala ng kanilang mga single-use plastic.
Nakibahagi rin ang PhilHealth YAKAP (Yaman ng Kalusugan) Program upang hikayatin ang mas maraming PWD na magparehistro at magkaroon ng access sa mga benepisyong pangkalusugan.
Aabot sa 9,004 qualified PWDs ang inaasahang makatatanggap ng tulong sa ilalim ng Social Welfare Assistance Program.
Para sa iba pang impormasyon at schedule ng payout sa districts 1, 2, 4, 5 at 6, i-click lamang ang link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1Ba3Qq8Pne/










