Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Umabot sa 6,392 Senior QCitizens sa District 2 ang nakatanggap ng social welfare assistance mula sa pamahalaang lungsod.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng tulong pinansiyal kasabay ng selebrasyon ng kanyang kaarawan kahapon.
Layon ng social welfare assistance na makapagbigay ng tulong sa indigent senior citizens na hindi sakop ng social pension ng national government.
Para maging benepisyaryo ng programa, maaaring makipag-ugnayan sa Office for the Senior Citizens’ Affairs sa pinakamalapit na District Action Office sa inyong lugar.








