Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Mahigit 3,600 senior QCitizens ng District 5 ang nakatanggap ng kanilang Social Welfare Assistance (SWA) mula sa pamahalaang lungsod.
Layon ng SWA na makapagbigay ng suporta sa mga senior citizen na walang nakukuhang social pension mula sa pamahalaan o iba pang pribado at social insurance institutions tulad ng GSIS at SSS.
Kinumusta ni Mayor Joy Belmonte ang kalagayan ng mga senior, at ipinaalala ang iba pang programa ng lokal na pamahalaan na nakalaan para sa kanila.
Ang SWA ay naisakatuparan sa bisa ng City Ordinance SP-3115, S-2022, na nagbibigay ng tulong-pinansyal sa mga pinaka nangangailangang miyembro ng komunidad, partikular sa mga senior citizen, at persons with disabilities.










