Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Muling namahagi ang Quezon City Government ng Social Welfare Assistance para sa mga indigent senior citizens.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng SWA sa libo-libong senior QCitizen mula District 6.
Ang SWA, na programa ng lokal na pamahalaan sa bisa ng City Ordinance SP-3115, S-2022, ay nagbibigay suporta sa mga kwalipikadong senior citizen na walang nakukuhang social pension mula sa pamahalaan o iba pang pribado at pampublikong social insurance institution tulad ng GSIS at SSS.








