Sa QC, inuuna ang kapakanan ng Senior QCitizens!
Umabot sa 1,302 senior citizens ng Lungsod Quezon ang personal na pinamahagian ni Mayor Joy Belmonte ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng Social Welfare Assistance (SWA) for Indigent Senior Citizens na programa ng Social Services Development Department (SSDD).
Upang tumugon sa senior citizens na hindi napasama bilang benepisyaryo ng DSWD Social Pension Program, binuo ng lungsod ang lokal na SWA program para sa kanila.
Alinsunod sa ordinance no. 3315, S-2022, bawat benepisyaryo ay makakatanggap ng P6,000 mula sa lokal na pamahalaan sa loob ng isang taon at ipapamahagi ito kada quarter.
Ayon kay Mayor Joy, may nakalaang budget ang SSDD upang suportahan ang 10,000 senior citizens sa lungsod. Hinimok niya rin ang mga benepisyaryo na tangkilikin ang mga programa ng lungsod.
Tumulong din sa distribusyon ng cash aid sina Chief of Staff Rowena Macatao at SSDD OIC Eileen Velasco kasama ang mga kawani ng SSDD at City Treasurer’s Office.
Para sa iba pang katanungan, makipag-ugnayan sa ating District Offices:
District 1 Action Office: https://www.facebook.com/d1.quezoncity/
District 2 Action Office: https://www.facebook.com/D2ActionOffice/
District 3 Action Office: https://www.facebook.com/D3ActionOffice
District 4 Action Office:
https://www.facebook.com/D4ActionCenter
District 5 Action Office:
https://www.facebook.com/NovalichesDistrictCenterOfficial
District 6 Action Office: https://www.facebook.com/d6aksyonopis