Ipinamahagi ni Mayor Joy Belmonte ang tulong pinansyal at grocery packs para sa 566 na senior citizens ng Lungsod Quezon ngayong araw.

Bahagi ito ng social welfare assistance program ng lokal na pamahalaan na pinangangasiwaan ng Social Services Development Department.

Bukod sa libreng check-ups at gamot para sa mga seniors, inihayag din ni Mayor Joy na mag-uumpisa nang mamahagi ang lokal na pamahalaan ng mga healthy gift packs tuwing kaarawan ng mga senior QCitizens sa darating na Oktubre.

#TayoAngQC

+16