Sa QC, sinisiguro na maging persons with disability, kasama sa pag-unlad!
Mahigit 1,200 persons with disability mula Districts 1 at 4 ang nakatanggap ng Social Welfare Assistance mula sa lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO).
Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P1,500 na tulong pinansyal, na ibinibigay kada quarter sa loob ng isang taon.
Sa kanyang mensahe, tiniyak ni Mayor Joy Belmonte na patuloy ang suporta ng lungsod sa persons with disability, kabilang ang pamamahagi ng libreng assistive devices, at pagbibigay ng oportunidad para makapagtrabaho at kumita.
Nakiisa rin sa SWA distribution sina PDAO Head Debbie Dacanay, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, at District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate.