TUGON PARA SA SENIOR QCITIZENS!👴👵

467 Senior QCitizens ang nakatanggap ng taunang tulong pinansyal mula sa pamahalaang Lungsod Quezon ngayong Sabado.

Personal na ipinamahagi ni Mayor Joy Belmonte ang P6,000 Social Welfare Assistance (SWA) at grocery packs para sa mga benepisyaryong lolo at lola sa QC katuwang si Social Services Development Department head Carolina Patalinghog.

Binuo ng lungsod ang programang ito para sa mga QC seniors na hindi nakatatanggap ng tulong pinansyal mula sa national government.

Magandang balita rin ang ibinahagi ni Mayor Joy na inuumpisahan na ng lungsod ang pamamahagi ng healthy gift packs bilang birthday gifts at inihahanda na ang libreng bakuna laban sa flu at pneumonia para sa QC seniors.

+11