Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sa QC, tuloy lang ang kalinga sa senior citizens! ![]()
![]()
Aabot sa 1,400 senior citizens mula sa Districts 1, 3, at 4 ang nakatanggap ng Social Welfare Assistance (SWA) mula sa pamahalaang lungsod.
Kinumusta ni Mayor Joy Belmonte ang mga benepisyaryo at muling tiniyak ang patuloy na suporta ng lungsod sa kapakanan ng mga nakatatanda.
Tumanggap ng ₱3,000 ang bawat kwalipikadong benepisyaryo, katumbas ng ₱500 kada buwan para sa unang anim na buwan ng taon.
Bukod pa rito, may grocery pack din na handog ang Social Services Development Department (SSDD) bilang dagdag na tulong para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.










