Sa QC, mahalaga ang kapakanan ng senior citizens!
Nakatanggap na ng kanilang Social Welfare Assistance ang aabot sa 608 senior citizens mula sa District 1 sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte.
Ang bawat senior citizen na benepisyaryo ng programa ay nakatanggap ng P4,500 halagang tulong pinansyal. Bukod dito, maaari din silang mag-avail ng libreng maintenance medicine sa mga health centers sa QC.
Kasabay ng payout ay nakatanggap pa ng grocery package ang mga senior citizens mula sa SSDD.
Nakiisa sa pamamahagi ng financial assistance sina Coun. Bernard Herrera, Coun. TJ Calalay, at Coun. Charm Ferrer.
Naging katuwang din sa programa sina District Action Officer Ollie Belmonte at SSDD OIC Carol Patalinghog.