HAPPY LOLA & LOLO WEEK, QC! 👴👵❤️

Nasa 2,900 senior QCitizens mula Districts 2, 5, at 6 ang nakatanggap ng P4,500 at grocery package na ipinamahagi ni Mayor Joy Belmonte bilang bahagi ng selebrasyon ng Elderly Filipino Week.

Ipinaalala ni Mayor Joy sa seniors na libre ang kanilang maintenance medicine sa lahat ng health centers sa Lungsod Quezon.

Binigyang-diin din ng alkalde na handang tumugon ang lokal na pamahalaan para sa medical needs ng senior citizens.

Inihayag ni Mayor Joy na sisimulan ngayong Oktubre ang pamamahagi ng lungsod ng healthy gifts tuwing kaarawan ng mga senior.

Kasama rin sa distribusyon sina D6 Rep. Marivic Co-Pilar, Coun. Vic Bernardo, Coun. Joe Visaya, Coun. Shay Liban, Coun. Ram Medalla, Coun. Ellie Juan, Coun. Atty. Bong Liban, Enzo Pineda, D2 AO Atty. Bong Teodoro, D5 AO William Bawag, D6 AO Atty. Mark Aldave, at Social Services Development Department OIC Carol Patalinghog.

+26