Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakipagtulungan ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) sa Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) para magkaroon ng aktibong partisipasyon ang mga PWD sa komunidad bilang eco-warriors.
Sa pamamagitan ng ating ‘Trash-to-Cashback’ program, nahikayat ang mga benepisyaryo ng Social Welfare Assistance na magdala ng mga plastic o recyclables sa araw ng kanilang SWA payout.
Good job, QCitizens! Sama-sama tayo sa patuloy na pangangalaga sa ating kapaligiran.








