Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Aabot sa 3,000 persons with disability (PWDs) mula Districts 4, 5, at 6 ang nakatanggap ng Social Welfare Assistance (SWA) galing sa lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO).
Namahagi din ng assistive devices ang PDAO para sa mga nangangailangang benepisyaryo.
Nakibahagi sa payout ang Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) kung saan tinalakay nila ang Trash-to-Cashback program at ang polisiyang nagbabawal sa paggamit ng plastic sa lungsod.










