Umabot sa 301 solo parents ang nakatanggap ng kanilang benepisyo sa ilalim ng Social Welfare Assistance Program for Solo Parents ng Social Services Development Department ngayong araw.
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagbahagi ng halagang P1,500 sa mga benepisyaryo. Ito ay matatanggap nila kada quarter o P6,000 kada taon para matulungan ang kanilang pamilya sa araw-araw na pangangailangan.
Kasama sa pamamahagi sina SSDD OIC Ms. Rowena Macatao at Special Projects Division head Ms. Lorelei Salvador.