Bumisita sa Quezon City Government ang mga opisyal ng Socialist Republic of Vietnam upang alamin ang mga best practices ng lungsod sa pagkalinga sa mga migrante at kanilang pamilya.

Malugod na sinalubong ng Public Employment Service Office (PESO) ang mga delegado sa pangunguna ni Vietnam Central Economic Commission Department of Social Affairs Director General Doan Nguc Xuan.

Ipinakita ng PESO ang mga programa ng lungsod para sa mga OFW tulad ng pagtatatag ng Migrant Resource Center na isang one-stop-shop para sa mga migrante. Ipinahayag din ng QC ang mga kasalukuyang partnership para sa labor and migration development sa national government, Diocese of Novaliches, at International Labour Organization.