Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Naimbitan ang mga mag-aaral ng Socorro Child Development Center sa Liwanag Day ng J. Amado Araneta Foundation, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Women’s Month.
Ang Liwanag Day, na bahagi ng Liwanag Reading program, ay ang pangunahing literacy program ng JAAF at Gateway Gallery, sa pakikipagtulungan sa Bb. Pilipinas Charities Inc.
Nagbibigay sila ng libreng storytelling session para maisulong ang pagmamahal sa pagbabasa at pagkatuto ng mga bata.
Kasama ng mga CDC pupils si Ms Nazia Louise Espina ng Social Services Development Department.










