Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa naganap na Solaire Career Caravan Finale na idinaos sa Risen Garden ng City Hall ngayong araw.

Higit sa 4,000 ang job opportunities na hatid ng Solaire North Resort para sa QCitizens partikular na sa gaming, resort, at general administration. Inaasahang magbubukas ito sa darating na Mayo 2024.

Inihahanda na rin ang magiging partnership ng Quezon City University (QCU), Public Employment Service Office (PESO), at Solaire ang pagbubukas ng Hospitality Academy.

Layon nitong i-train ang mga mapipiling kandidato ng PESO upang ma-develop ang kanilang skills sa culinary arts, hospitality and guest services na kalaunan ay magiging tauhan ng Solaire.

Present din sa programa sina Solaire North COO Greg Hawkins, SVP Resorts Gianpietro Iseppie, VP Human Resources Haresh Chainani, VP Engineering Sean Manire, TESDA QC District Director Nomer Pascual, QC Field Office DOLE Director Engr. Martin De Quinto, Quezon City University Placement head Aura Cueva, PESO Assistant Department head Jo Alex Macabulos, at District Action Officers na sina Ollie Belmonte, William Bawag, at Al Flores.

+30