Sa nalalapit na pagbubukas ng Solaire Resort North sa Lungsod Quezon, inilunsad sa Quezon City Hall ang kauna-unahang Solaire Resort North Career Caravan at pagbubukas ng recruitment hub nito na isasagawa sa Ayala Vertis North.

Sa talumpati ni Mayor Joy Belmonte, pinasalamatan niya ang mga negosyanteng patuloy na nagtitiwala at nagtatayo ng mga negosyo sa lungsod. Bunsod ito ng malinis na pamamahala ng lokal na pamahalaan at ang tapat na paggamit ng lungsod sa buwis ng taumbayan.

Ayon naman kay Bloombery Resorts Corp. President and COO Tom Arasi, nangangailangan ang kanilang bagong 5-star hotel ng higit 4,200 na mga aplikante para sa mga trabaho sa resort.

Present din sa programa sina District 1 Rep. Arjo Atayde, QC Public Employment Service Office Head Rogelio Reyes, Department of Labor and Employment NCR Regional Director Atty. Sarah Mirasol, Technical Education And Skills Development Authority QC District Director Mariflor Liwanag, at Bloombery Resorts Corp. Vice Chairman for Construction and Regulatory Affairs Donato Almeda.