Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
QC SCHOOLS, SOLAR-POWERED NA! ![]()
![]()
![]()
Pinakikinabangan na ng libo-libong estudyante ang sustainable and renewable energy dahil sa solarization projects sa mga pampublikong eskwelahan sa Lungsod Quezon.
Ayon sa QC Department of Engineering, ang total capacity ng 8 schools ay 800 kWp na katumbas ng pagkunsumo ng kuryente ng 230 households sa loob ng isang taon.
Alinsunod ito sa hangarin ng Pamahalaang Lungsod Quezon na mag-transition sa paggamit ng solar energy sa lahat ng city-owned properties, kasama ang mga eskwelahan at mga ospital sa QC.








