Bilang bahagi ng selebrasyon ng Philippine Environment Month, pormal ng pinasinayaan ang unang batch ng solar panel sa Quezon City Hall.
Nanguna sa pagpapasinaya sina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, at mga konsehal at department heads, at mga kinatawan ng Meralco.
Sisimulan ang solarization project sa mga sumusunod na gusali ng QC Hall: High Rise Building, Legislative Building, at City Treasury Building.
Layon ng proyekto na mapababa ang energy consumption ng pamahalaang lungsod at mabawasan ang greenhouse gas emission tungo sa net zero target sa 2050.