Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Patuloy na pinalalawak ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon ang paggamit ng renewable energy sa mga pampublikong paaralan sa pamamagitan ng solarization program.
Sa kasalukuyan, 25 public schools na ang bahagi ng programa, 20 ang ganap nang operational habang 5 ang sumasailalim pa sa installation.
Mula Enero hanggang Hunyo 2026, nakatipid ng mahigit ₱6 milyon sa konsumo ng kuryente ang mga solar-powered public school, habang nakalikha rin ng mahigit 524,000 kWh ng malinis at renewable na enerhiya.
Mas marami pang solar-powered na pasilidad ang inaasahang maitatayo habang patuloy na isinusulong ng Quezon City ang paggamit ng renewable energy sa lungsod.








