Aabot sa 597 solo parents ang nakatanggap ng Solo Parent Subsidy mula sa Quezon City Social Services Development Department.

Nanguna si Mayor Joy Belmonte sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga solo parent sa pamamagitan ng programa kung saan sila ay nakatatanggap ng Php 1,000 kada buwan.

Nakiisa sa pamamahagi ng tulong pinansyal si SSDD OIC Carol Patalinghog.

Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa SSDD sa mga numerong: 8710-1350 / 8703-6803

+13