Patuloy ang suporta ni Mayor Joy Belmonte para sa mga Solo Parent sa pamamagitan ng Solo Parent Subsidy Distribution Program ng Social Services Development Department.

Binibigyang-diin ni Mayor Belmonte ang kanyang paghanga sa katatagan ng bawat Solo Parent at pinagtitibay niya rin ang suporta ng Quezon City local government.

Nakatanggap ang aabot sa 597 benepisyaryo ng 6,000 pesos, kasama ang karagdagang grocery package para sa kanilang tahanan.

Nakiisa sa pamamahagi ng tulong pinansyal sina SSDD OIC Carol Patalinghog at District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate.

Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa SSDD sa mga numerong: 8710-1350 / 8703-6803

#TayoAngQC

#QC85th

+30