HAPPY SOLO PARENTS WEEK, QC!
Aabot sa 1,300 solo parents ang nakiisa sa Solo Parent Unity Walk na bahagi ng selebrasyon ng Pamahalaang Lungsod sa Solo Parent Week na pinangasiwaan ng Social Services Development Department (SSDD).
Kasama sa mga prayoridad na programa ni Mayor Joy Belmonte ang pagkalinga sa mga solo parents sa Lungsod Quezon, upang masiguro ang kapakanan ng bawat pamilyang QCitizens.
Sabay-sabay na nakiindak ang mga solo parents na miyembro ng Solo Parents Association of Quezon City (SPAQC) sa Yoga Zumba at nabigyan din sila grocery packages mula sa SSDD.
Tumayong speakers sa programa sina SSDD – Solo Parent Welfare Program head Mila Baluyot at mga kinatawan ng SPAQC na sina Emerita Nicanor, Gemma Relata, Leila Fontil, Larcy Reyes, Rodel Edroso, Mae Geronimo, at mga kawani ng SSDD.




