Bilang bahagi ng selebrasyon ng Solo Parent week, nagsagawa ang Quezon City Government katuwang ang mga konsehal at non-governnment organizations ng iba-ibang programa at aktibidad handog sa mga QCitizen solo parent noong isang linggo.
Nagkaroon ng Health and Wellness programs, bazaar, caravan, at Zumba sa sabay-sabay na pagdiriwang ng solo parent week sa anim na distrito ng lungsod.
Ang paggunita sa solo parent week ay alinsunod sa Republic Act 11861 o Expanded Benefits for Solo Parents.