Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Aabot sa 1,149 solo parents sa lungsod ang nakatanggap ng financial subsidy mula sa Quezon City Government!
Sa bisa ng Republic Act 11861 o Expanded Solo Parents Welfare Act, ang kwalipikadong solo parents na sumailalim na sa verification ng Social Services Development Department (SSDD) ay makakatanggap ng P1,000 buwanang tulong-pinansyal sa loob ng isang taon.










