Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Daan-daang solo parents, civil society organizations, at mga kinatawan ng pribadong sektor ang dumalo sa selebrasyon ng Solo Parents Week ngayong Biyernes.
Ibinida ng lungsod ang iba-ibang programa ng lokal na pamahalaan para sa mga solo parent, tulad ng 20 percent discount kapag kakain sa mga restaurant tuwing una at huling Linggo ng buwan.
Prayoridad din sila sa mga programang pabahay, at iba-ibang livelihood programs at opportunities ng lungsod.
Nagbigay naman ng mensahe sina Coun. Ellie Juan at former District 1 Coun. Mayen Juico para ipahayag ang suporta at pagkilala ng lungsod sa tapang at dedikasyon ng mga solo parent para maitaguyod ang kanilang pamilya.










