Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagtipon-tipon ang mga presidente at kinatawan ng iba-ibang solo parents organization sa Quezon City.
Ibinahagi sa kanila kung paano sinisiguro ng lokal na pamahalaan na bahagi sila sa pagbuo ng mga polisiya at programa para sa kanilang sektor.
Nagkaroon din ng workshop para matukoy ang mga pangunahing suliranin ng mga solo parent sa komunidad, at kung paano ito masosolusyunan at matutugunan.
Nagbahagi naman ng mensahe si Coun. Doc Ellie Juan na nagpapatibay sa suporta ng lungsod sa pagpapabuti ng kalagayan at kapakanan ng mga solo parent at kanilang pamilya.








