Bilang paghahanda sa 2nd State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagsagawa ng operational briefing ang mga kawani ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office ngayong umaga.
Handang rumesponde ang mga Emergency Medical Service, Search and Rescue Group, at Health Group upang masiguro ang kaligtasan ng mga civilian, opisyal, at naka-deploy na personnel.
Nakaantabay din ang mga miyembro ng QC Police District, staff ng Department of Public Order and Safety, at Task Force Disiplina upang mapanatili ang peace and order sa lungsod.