Lumapit sa lokal na pamahalaan kung may nararanasang pang-aabuso at karahasan.

Sa pakikipagtulungan ng QC LGU kasama ang Spring ACT, at Spark! Philippines, inilunsad ngayong araw ang ‘Sophia, The Chatbot’ (https://sophia.chat/), ang kauna-unahang chatbot sa buong mundo para sa mga biktima ng karahasan.

Sa pamamagitan nito ay makikita mo na ang mga lugar sa Quezon City kung saan maaari kang mag-report o mag-sumbong. Dagdag pa rito, maaari mo ring i-save online o sa sarili mong account ang mga ebidensya ng inyong karanasan nang hindi nakikita sa history ng inyong mga cellphone.

Huwag mahiya at matakot lumapit sa Quezon City Gender and Development (GAD) Council (https://www.facebook.com/quezoncitygadcouncil?mibextid=ZbWKwL) / QC Protection Center (

https://www.facebook.com/qcprotectioncenter?mibextid=ZbWKwL) kung nangangailangan ng tulong.

Nagbigay ng mensahe at suporta sina Mayor Joy Belmonte, Embassy of Switzerland Deputy Head of Mission Céline Fürst, Spring ACT Founder Rhiana Spring, SPARK! Philippines Trustee Ma. Aurora Geotina Garcia.

Naging panelist naman sina QC GAD OIC Janet Oviedo, GAD Council Member Margie Santos, Sagip Babae Foundation Co-Founder Francesca Fugen, Women’s Legal and HR Bureau Executive Director Jelen Paclarin, at Advocate na si Gretchen Alaurin. Nagsilbing host at moderator sa panel interview si Stephanie Zubiri.

+23