QC CHAMPIONS EQUAL RIGHTS!
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa Southeast Asia Queer Cultural Festival (SEAQCF) na idinaos sa Sine Pop sa Cubao, Quezon City noong Sabado.
Inihayag ng Alkalde sa kanyang solidarity message ang mga hakbang ng lokal na pamahalaan upang palakasin ang proteksyon, mga programa at equal rights para sa LGBTQIA+ community.
Bilang Host City ang QC ng SEAQCF ngayong taon, malugod ang pagtanggap ng lungsod para sa komunidad.
Nilibot ni Mayor Joy ang art exhibit na gawa ng nasa 50 queer artists mula sa iba-ibang bansa sa Southeast Asia. Tampok dito ang mga obra tulad ng paintings, zines, sculptures, photographs, at mga literatures. Kasama rin ang film screening, spoken poetry, at drag performance sa programa.
Nakibahagi sa SEAQCF ang mga diplomat na sina Juan Pablo Mejia Villar mula sa Embassy of Colombia, Pedro Pizzaro Gonzalez ng Embassy of Chile, at Francisco Lopez Tapia ng Embassy of Spain, ASEAN SOGIE Caucus Executive Director Ryan Silverio, at Instituto Cervantes Director Francisco Lopez.




