Pinarangalan ng International Data Corporation (IDC) Future Enterprise Awards 2023 ang Quezon City Government sa kategoryang Special Award for Digital Innovation dahil sa proyekto nito na City Engineering Project Monitoring System (CEPMS).

Ang Quezon City Government ang nag-iisang ahensya ng gobyerno sa buong Pilipinas na kinilala ng IDC ngayong taon sa pagpapahusay ng pamamahala at serbisyo gamit ang digital technology.

Kasama din sa kinilala ng IDC ang anim (6) na natatanging innovators ng Pilipinas:

– GCash (“Future Enterprise of the Year”)

– SM Development Corporation (“Future of Customer Experience”),

– Union Bank of the Philippines (“Future of Work” at “Future of Industry Ecosystem”),

– Universal Robina Corporation (“Future of Intellignce”),

– Manish Bhai ng UNO Digital Bank (CEO of the Year), at si

– Dr. Jonathan Mondero ng Amkor Technology Philippines, Inc.

(CIO/CDO of the Year)

Tinanggap ni Atty. Dale Perral, City Engineer, ang prestihiyosong award sa Singapore noong October 30-31, 2023 bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte.

Ang City Engineering Project Monitoring System (CEPMS) ay isang centralized platform na dinisenyo para mas mapahusay at mapabilis ang pagmonitor at pag-implement sa mga proyektong pang-imprastraktura ng Quezon City Government.