Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
ATIN ANG WEST PHILIPPINE SEA! ![]()
![]()
Nakibahagi si Mayor Joy Belmonte sa special screening na iorganisa ng Pamahalaang Lungsod Quezon sa dokyumentaryong “Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea,” na gawa ng Film Director na si Baby Ruth Villarama.
Inimbitahan sa Gateway 2 screening ang mga estudyanteng QCitizens, guro, at mga empleyado ng City Hall.
Layon nitong maipaunawa ang tunay na kalagayan ng mga mangingisdang apektado ng panunupil ng China at ang pakikipagsapalaran ng mga sundalo upang ipagtanggol ang West Philippine Sea.
Dumalo rin sa screening ang mga mangingisdang sina Captain Usman at Arnel Satam para magpasalamat sa buong suporta ng Lungsod Quezon sa kanilang laban.








