Kinilala ang isa sa mga ipinagmamalaking programa ng ating lungsod, ang “Tindahan ni Ate Joy”, matapos makatanggap ng Special Citation on Gender Mainstreaming in Women’s Economic Empowerment Sector mula sa Philippine Commission on Women at National Anti-Poverty Commission.
Sa “Tindahan ni Ate Joy” ay makakatanggap ang isang kwalipikadong benepisyaryo ng P10,000 na halaga ng sari-sari store groceries bilang panimulang negosyo.
Sa kasulukuyan ay aabot na sa 5,000 QCitizens ang natulungan ng programa, kabilang ang home-bound mothers, solo parents, survivors of violence and abuse, at mga kabiyak ng drug dependents na sumasailalim sa treatment sa ating community rehabilitation centers.