Quezon City, kinilala para sa mga programa sa Sustainable Diets & Nutrition! ![]()
![]()
Kabilang ang Quezon City sa apat na lungsod mula sa 64 proyekto sa buong mundo na tumanggap ng Special Mention Award sa ilalim ng Sustainable Diets & Nutrition category ng Milan Pact Awards sa Milan Urban Food Policy Pact (MUFPP) Global Forum 2025 sa Italy.
Pinarangalan ang Healthy Public Food Procurement (HPFP) Policy ng lungsod—isang patakarang nagbabawal sa paggamit ng pondo ng pamahalaang lungsod para sa pagbili o paghahain ng pagkaing hindi masustansya.
Sa ilalim ng polisiya, lahat ng pagkaing inihahain sa mga city-led events, shelters, at city hospitals ay kailangang naaayon sa QC Nutrition Standards.
Tinanggap ni District 2 Councilor at Majority Floor Leader Aly Medalla ang parangal sa ngalan ni Mayor Joy Belmonte.








