lsang makabuluhang pagtatapos para sa ating mga kabataang manggagawa! ![]()
![]()
Naging matagumpay ang isinagawang Culminating Activity ng Second Batch ng Special Program for Employment of Students (SPES) and Out-of-School Youth (OSY) nitong Hulyo 28, 2026.
Nagbigay ng Opening Remarks si QCPESO Manager Rogelio L. Reyes, MCD.
Kinilala niya ang sipag, tiyaga, at dedikasyon ng mga SPES beneficiaries na naging bahagi ng programa at nagsilbing huwaran bilang mga kabataang manggagawa.
Naghatid naman ng mensahe si Ms. Maricris S. Laureta, MCD para sa mga kalahok.
Hinikayat niya ang SPES beneficiaries na ipagpatuloy ang pagpapakita ng pagpapahalaga at aktibong pagsuporta sa mga adbokasiyang nagsusulong ng kapakanan at kinabukasan ng young workers sa Quezon City.
Nagkaroon din ng Life Skills Orientation, sa pangunguna ni Ms. Jannette Princess V. Hinate, at Commitment Ceremony.
Nagsilbi itong simbolo ng pakikiisa ng mga beneficiaries sa layunin ng QC PESO na patuloy na palakasin at suportahan ang mga manggagawang kabataan ng lungsod.
Congratulations sa ating Second Batch ng SPES beneficiaries!
Nawa’y maging inspirasyon ito sa inyong patuloy na pag-aaral, pagtatrabaho, at paglilingkod sa komunidad.










