Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa special screening ng pelikulang ‘Song of the Fireflies’ na idinirek ni King Palisoc at isinulat ni Sarge Lacuesta.

Sinuportahan ito ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon at ng QC Film Development Commission.

Ang pelikula ay hango sa kwento ng tanyag na Loboc Children’s Choir noong 1980s at ang kanilang pakikipagsapalaran upang manalo sa national competition sa Maynila.

Kabilang ito sa Manila International Film Festival 2025 na nakatakdang idaos sa Los Angeles, California.

Nanood rin sa screening sina Krystal Brimner, Girlie Rodis, Celeste Legaspi, National Artist for Music Ryan Cayabyab, Emmy Cayabyab, former Governor Arthur Yap, at QC department heads.

+9